Muling binanatan ng social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador si actress-vlogger Donnalyn Bartolome, hinggil sa pinag-usapan nitong tugon sa isang nanay na nakakaramdam ng insecurity sa kaniyang sarili matapos manganak.

Mababasa sa mga kumakalat na screengrab sa Facebook post na pinuri ng netizen si Donnalyn dahil sa kagandahan nito, at mas lalo siyang naiinsecure kapag napapatingin na siya sa salamin, dahil tila nagbago na ang kaniyang hitsura matapos ang panganganak.

Nagbigay naman ng positive vibe si Donnalyn upang kalamayin ang insecurity ng netizen sa kaniyang hitsura. Aniya, sigurado siyang mas maganda ito kaysa sa kaniya dahil binuntis ito. Siya nga raw ay walang bumubuntis.

"Mommy isipin mo na lang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis.. parang talo mo ko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan ha… I'm sure maganda ka, smile ka na…"

Donnalyn, trending ulit; binakbakan dahil sa 'isipin mo na lang binuntis ka' remarks sa isang netizen

Nilagyan niya ito ng caption na "Maganda talaga pag binuntis."

Bagama't maganda naman daw ang intensyon ni Donnalyn, marami sa mga netizen ang nagsabing "off" ang choice of words niya.

Nagkomento naman dito si Rendon Labador. Aniya, sana raw ay mabuntis na si Donnalyn ng isang lalaking may utak upang hindi na ito "bobo."

"To be fair, hindi naman offensive ang statement niya. Sadyang tanga lang talaga si Donnalyn. Ako na po ang kusang loob na makiki-usap na intindihin na lang natin siya. Kawawa yung tao kasi hindi niya alam kung saan siya nagkamali. #PrayForDonnalyn," dagdag pa nito.

Matatandaang binarda rin ni Rendon si Donnalyn sa naging trending na "balik-trabaho post" nito noong holiday.