Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkasama sa isang vlog ang dalawang Kapuso stars na sina Bea Alonzo at Carla Abellana, sa vlog ng una na umere noong Pebrero 4.

Sumalang sa "lie detector test" ni Bea si Carla at game na sinagot ang ilang "juicy questions" sa kaniyang love and relationship, work and career, at iba pang mga personal na tanong.

Isa na rito ay kung naisipan na raw niyang lumipat ng network. Aminado naman si Carla na sumagi sa isipan niya ito.

Carla, natanong ni Bea kung naisip 'lumipat ng bakod'

Sunod, nauntag siya kung namlastik na ba siya ng katrabaho. "No" ang sagot ni Carla, na tumugma naman sa lie detector test.

Natanong din kung napagalitan na ba siya ng direktor o co-star dahil hindi niya nagawa nang tama ang isang eksena.

Isang malaking yes with matching tango-tango pa ang sagot ni Carla, at ang binanggit niya ay si Direk Joel Lamangan.

Paglilinaw naman ni Carla, naiintindihan naman niya si Direk at marami siyang natutuhan dito.

"After no'n, love mo na siya," giit pa ng aktres. "So normal 'yon sa kaniya."

&t=490s