Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Camarines Norte nitong Martes ng gabi, Pebrero 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 9:46 ng gabi.

Namataan ang epicenter ng lindol 15 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Tinaga Island sa Vinzons, Camarines Norte, na may lalim na 001 kilometro.

Naiulat ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Intensity V - Mercedes, Camarines Norte

Intensity IV - Daet, Camarines Norte

Intensity III - Ragay, Camarines Sur

Intensity II - Tabaco, Albay; Iriga City, Camarines Sur; Guinayangan, Polillo, Quezon

Intensity I - Legazpi City, Albay; Lopez, Gumaca, Mulanay, Mauban, Quezon

Pinag-iingat ang mga residenteng kalapit ng nasabing lindol sa mga posibleng aftershocks.

Wala namang inaasahang pinsalang maidudulot ng nasabing pagyanig.