Viral ngayon sa social media ang isang babaeng security personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itong ‘ngumisi’ umano habang ginagawa niya ang security screening sa mga miyembro ng K-pop group na ENHYPEN.

Sa isang video na kumakalat ngayon sa internet, kapansin-pansin ang pagngisi ng babae na waring dala ng kilig habang tila kinakapkapan ang ilang miyembro ng nasabing K-pop group.

Hindi naman pinalampas ng fanbase ng ENHYPEN ang nangyari at binatikos ang NAIA dahil sa ‘unprofessionalism’ at kawalan ng ‘work ethics’ umano ng kanilang empleyado.

Ayon sa ilang fans ng ENHYPEN, maaaring isang fan din daw ang nasabing security personnel, at ginamit niya ang kaniyang trabaho para magkaroon ng oportunidad na mahawakan ang Kpop stars, lalo na raw at hindi naman niya ginawa ang pagkapkap sa lahat ng miyembro nito.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Suspetsa rin ng fans na ang kumuha ng nag-viral na video ay isa ring staff ng NAIA na siyang higit na nagpapakita ng kawalan ng professionalism ng mga ito.

Hindi rin daw kinakailangang ipababa pa ang face masks ng K-pop members dahil ginagawa lamang ang pagpapababa ng face masks para makita ang identidad ng isang pasahero.

Bumisita sa Pilipinas ang nasabing K-pop group dahil sa three-day concert nila sa Manila noong Pebrero 3, 4, at 5.