Inaasahan na ang malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Pebrero 7.

Inanunsyo ng Pilipinas Shell at Seaoil na dakong 6:00 ng umaga, ipatutupad ang bawas na ₱2.10 sa kada litro ng gasolina habang ₱3 naman ang itatapyas sa bawat litro ng diesel at babawasan ng ₱3.10 sa kada litro ng kerosene.

Magpapatupad din ang Petro Gazz ng kaparehong price adjustment sa kanilang gasolina at diesel.

Ang naturang hakbang ay resulta lamang ng paggalaw sa presyo ng petroleum products sa pandaigdigang merkado.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Sa kabuuan, nasa ₱7.20 na ang ibinawas sa presyo ng gasolina, ₱3.05 naman sa diesel at ₱4.45 naman sa kerosene ngayong taon.