Trending ngayon sa Twitter ang pangalan ni Wowowin host Willie Revillame matapos ang kaniyang pahayag patungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng ilang mga programa sa ALLTV.

Matatandaang binira ni Willie ang mga netizen na tila natutuwa pa raw sa balitang ito. Nanawagan naman siya ng dasal sa lahat para sa ikatatagumpay ng ALLTV, na bagito pa lamang sa larangan ng TV broadcasting na kaka-soft launching pa lamang noong Setyembre 13, 2022.

Dahil dito, marami sa mga netizen ang nagsasabing "karma" raw ito matapos ang hindi pagrenew sa prangkisa ng ABS-CBN. Isa kasi sa mga kongresistang bumoto ng "No" sa franchise renewal ay si Congresswoman Camille Villar, anak ni dating senador Manny Villar na may-ari naman ng ALLTV/AMBS-2.

Inungkat pa ng ilan ang video clip ni Willie habang natatawa sa naging hirit ng dating Presidential Spokesperson at kumandidato sa pagkasenador na si Harry Roque hinggil sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, at dahil dito, siya na lamang ang napapanood ngayon (Wowowin), noong nasa GMA Network pa ito.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Inihambing ito sa naging video clip naman ng naging pahayag niya sa Wowowin patungkol sa ALLTV.

https://twitter.com/rodmagaru/status/1622153936542253057

Pero kung tutuusin, "pinutol" ang inuungkat na video ng netizen at ang mapapanood lamang ay ang pagtawa at pagpalakpak niya sa malamang biro ni Roque. Sinabi rin naman ni Willie na malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN dahil doon siya nagsimula.

"Malaki rin po ang utang na loob ko sa estasyon na 'yan dahil diyan ako nagsimula. Doon ako nakilala. Nasa puso ko pa rin 'yan…"

Mapapansing sinalag na ni Willie ang mga susunod pa sanang hirit ng dating presidential spox, at sinabing hindi nila pag-uusapan ang tungkol sa prangkisa.

Bukod sa 'Wowowee," matatandaang nagsimula sa hosting si Willie sa noontime shows na "Sang Linggo NAPO Sila" at "Magandang Tanghali Bayan" o MTB na minsan na ring nagpataob noon sa katapat nitong "Eat Bulaga."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Willie patungkol dito.