Nakapagtala lamang ang National Capital Region (NCR) ng 17 kaso ng Covid-19 nitong Linggo, Pebrero 5, 2023.

Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Lunes, nabatid na ito na ang pinakamababang kaso ng Covid-19 na naitala sa NCR, simula noong Marso 2020.

“[National Capital Region] had 17 new cases on Feb. 5, 2023 … This is the lowest in the NCR since March 20, 2020,”  tweet pa ni David.

Samantala, iniulat rin ni David na ang positivity rate sa NCR hanggang nitong Pebrero, ay bumaba na sa 1.7% lamang mula sa 2.4% noong nakaraang linggo.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“The weekly positivity rate dropped to 1.7 percent as of Feb. 4 as testing remained low at 35 per day per 100k,” aniya pa.

Samantala, nabatid na umabot lamang sa 36 ang mga bagong kaso ng Covid-19 na naitala sa bansa nitong Linggo.

Dahil sa naturang bagong bilang, ang total Covid-19 cases sa bansa ay umabot na sa 4,073,826.

Sa naturang bilang, 9,378 na lamang ang aktibong kaso pa.

Nasa 3,998,597 naman ang total recoveries ng bansa habang 65,851 ang total Covid-19 deaths.