Napansin ng ilang mga netizen ang komento ni GMA trivia master at TV host Kuya Kim Atienza sa Facebook Live ni actress-vlogger Donnalyn Bartolome, na muli na namang trending dahil sa kaniyang pahayag tungkol sa isang nanay na "naiinsecure" sa kaniyang ganda matapos nitong manganak.

"Mommy isipin mo na lang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis.. parang talo mo ko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan ha… I'm sure maganda ka, smile ka na…" sey ni Donnalyn.

Makikita naman sa recorded video ng isinagawang Facebook Live ni Donnalyn ang komento ni Kuya Kim na "Hope all is well."

'Sawsawero daw?' Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle

Hindi naman ito nakaligtas sa pambabarda ng netizens.

"Sawsaw pa more."

"Kuya Kim Atienza papampam!"

"Kuya Kim Atienza tengene HAHAHAHA."

Screengrab mula sa Fb page ni Donnalyn Bartolome

Matatandaang nasabihan na ring "sawsawero" ng mga netizen si Kuya Kim dahil sa pagbibigay niya ng reaksiyon at pag-like sa isyung kinasangkutan kamakailan nina Karylle at Vice Ganda, na dati niyang co-hosts sa "It's Showtime."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kuya Kim tungkol dito.