Inamin ni Jon Gutierrez a.k.a. "King Badger" na hinding-hindi na mawawala ang pagmamahal niya sa dating partner na si Kapuso comedy actress Jelai Andres.

Naganap ang pag-amin ni King Badger sa vlog ni "Mr. Phoebu$" kung saan sinabi nitong kahit may piangdaraanan sila ngayon ay hindi na mawawala sa kaniyang puso si Jelai.

Matatandaang nagkahiwalay ang dalawa dahil sa "third party."

Isinalaysay rin ni Jon ang ilan sa mga detalye kung paano sila nagkakilala at naging gabay si Jelai sa kaniyang showbiz career.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Galing daw sa kaniyang puso, kahit anong sabihin ng mga tao sa kaniya, alam niyang hindi na mababago ang pagmamahal ni Jon kay Jelai.

Nagbigay rin siya ng mensahe kay Jelai.

"Gusto ko lang sabihin na kung saan siya masaya, susuportahan ko siya. Siyempre, gusto ko lang naman is maging masaya siya. Sorry sa mga hindi namin pagkakaunawaan, sa mga pinagdaraanan pa rin niyang sakit hanggang ngayon…"

&t=671s