Bilang treat matapos ang pressure ng exams, nagpa-boodle fight ang guro na si Jomar Reuel Legarte mula sa Rosario, Batangas, na ikinatuwa ng kaniyang mga estudyante.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Legarte na nitong Biyernes, Pebrero 3, ay saktong tatlong taon na siya bilang isang guro sa Bulihan Elementary School. Kaya naman sakto raw ang araw na iyon para pasayahin din ang kaniyang advisory class.

“As adviser po nila, gusto ko po ma-refresh ang kanilang mga sarili kasi katatapos lang din po ng kanilang 2nd periodical test at bago po mag-sembreak ay makapag-enjoy muna din po sila through boodle fight,” ani Legarte.

Maligaya naman siya dahil kita raw niya ang saya ng kaniyang klase nang araw na iyon lalo na at minsan lang mangyari ang naging bonding nila.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

“Bilang teacher ng aking mga students, always be grateful sa mga blessings! Lagi lang nandito ang katulad kong guro, hindi lang para makapagbigay ng kaalaman kundi para magbigay ng enjoyment sa kanila para mas maging masipag at madagdagan ang eagerness na pumasok araw-araw sa paaralan,” saad ni Legarte.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!