Nasa ₱2.476 halaga ng ecstasy at iba pang illegal drugs ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) na naka-base sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa Pasay City kamakailan

Sa Facebook post ng BOC, nabisto nila ang tatlong package kung saan nakatago ang iligal na droga sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Pair Cargo, at sa DHL warehouse sa naturang lungsod.

Naiulat na nadiskubre ang mga droga nang isailalim sa physical examination ang mga ito nitong Pebrero 1.

Kabilang sa laman ng tatlong package ang isang vape cartridge na may kargang THC (tetrahydrocannabinol) o isang uri ng chemical compound ng marijuana, 1.020 kilogram ng ecstasy, at 106.46 gramo ng shabu (methamphetamine hydrochloride).

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Natuklasan din ng ahensya na mula pa sa United States France at Pakistan ang mga nabanggit na illegal drugs at ipapadala sana sa Negros Occidental, Makati City, at Camarines Sur.

Nagsasagawa pa ng masusing pagsisiyasat ang mga awtoridad upang matukoy at makasuhan ang nasa likod ng pagpupuslit ng iligal na droga.