"Dogs are like humans too."

Galit at awa ang naramdaman ng netizens matapos ibahagi ng isang Facebook user na si Algerico Quitoriano ang larawan ng aso na tinaga umano ng 'di pa kilalang salarin. Mangiyak-ngiyak naman ang aso na nangalabit at lumapit sa ibang tao, na tila humingi ito ng tulong.

Ayon sa uploader, halos madurog daw ang kaniyang puso matapos makita ang aso na malalim ang natamong sugat sa likod. Dagdag pa niya, napakabait ng aso kaya 'di niya inakalang tatagain ito.

"Aso po iyan ng kapitbahay namin sa San Rafael, mabait po yung aso. Matapos po iyan mataga pumunta po siya sa kabilang bahay at nangalabit, na tila humihingi ng tulong. Mabait po talaga yung aso na iyan," ikinuwento niya sa Balita.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon din kay Algerico, sana sinigawan o tinakot na lang nila yung aso para umalis, at hindi dapat nila ito saktan o tagain dahil mayroon din itong "feelings" gaya ng tao.

"Nakakadurog ng puso.Dogs are like humans too. Sana takutin na lang nila para umalis at hindi na lang sana sinaktan," paliwanag niya sa caption.

Ikinuwento rin ni Algerico na ang aso ay nakawala lamang sa tali nito at posibleng gumala at nagutom lang ito kaya napunta sa ibang lugar. Sobrang lalim umano ang sugat nito sa likod kaya mangiyak-ngiyak yung aso sa sakit, pero kasalukuyang ginagamot na ang aso.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!