Nagpaabot ng pagbati ang actress-TV host-vlogger na si Alex Gonzaga para sa kaarawan ng kanilang ama ni Toni Gonzaga na si Daddy Bonoy Gonzaga, na makikita sa kaniyang Instagram post.

Kalakip ng IG post ni Alex ay ang throwback photo nila ni Daddy Bonoy, gayundin ang litrato kasama ang inang si Mommy Pinty, tiyuhing si Jojo, at mister na si Mikee Morada.

Makikita rin dito ang tila tinapay na nagsilbing cake para sa kaniya na natutulusan ng birthday candles na may sindi.

Sumundot naman ng pabirong hirit si Alex.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Happy birthday daddy! Love you always! Pasensya ka na tinapay na lang muna mapapadala ko sa'yo pambirthday. Mag-iiwas-iwas na rin kayo sa (iemoji ng cake) mahirap na," aniya sa caption.

Matatandaang noong Enero ay nalagay sa kontrobersiya si Alex matapos niyang pahiran ng icing sa noo ang server na may hawak ng cake sa kaniyang birthday party noong Enero 16.