Guest ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa vlog ng kapwa Kapusong si Bea Alonzo, kung saan, sumailalim siya sa ginagawang lie detector test nito.

Bago magsimula ang dalawa, natanong muna ni Bea kung may mga tanong bang iniiwasan o kinakabahan si Carla na maitatanong dito.

Sey naman ni Carla, okay lang naman sa kaniya ang mga "uncomfortable questions" dahil honest naman siya.

Nagbato ng madadali at mahihirap na tanong si Bea kay Carla, at isa na rito ang tungkol sa kanila ng estranged husband na si Tom Rodriguez.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Inuntag ni Bea si Carla kung may posibilidad bang magkabalikan sila nito.

Isang diretsahang "No" ang tugon ni Carla.

Bigla namang nag-side comment ang mommy ni Carla na "Yes!" na ikinahalakhak naman ng dalawa.

Pero natanong din ni Bea ang guest-actress kung nagsisisi ba itong pinakasalan nito si Tom.

"No" ang sagot ni Carla subalit nagbigay-hint ang machine na hindi totally nagsasabi ng totoo ang aktres.

Ipinaliwanag naman ito ni Carla.

“Dahil Catholic din ako na parang, ‘Hindi, no regrets dapat kasi part 'yan ng plan ni God.’ “But then, kung honestly, kung si Carla, tanggalin mo lahat 'yon, yes, talagang magsisisi ako… nagsisisi ako,” aniya.

Bukod dito, ilan naman sa mga "Yes" na sagot ni Carla ay tungkol naman sa red flags sa isang relasyon. Wala siyang binanggit kung sinong karelasyon ang tinutukoy niya rito.

Aminado si Carla na hindi na niya pinansin noon ang "red flags" sa kaniyang naging karelasyon, at ngayon, nakararamdam siya ng pagsisisi kung bakit niya ito hindi pinansin o inignore.

Sa ngayon daw ay wala pang manliligaw na nagpaparamdam kay Carla.

Hindi na rin nakikita ng aktres ang kaniyang sarili na muling magpapakasal sa ibang lalaki.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Tom tungkol dito.