“‘Yung nanay kong walang pambayad sa barbero. Ampangit ko tuloy!😂

Good vibes ang naging hatid ng post ni Nelly Castro mula sa Butuan City tampok ang paggupit niya sa kaniyang alagang aso.

Sa panayam ng Balita Online ibinahagi ni Castro na dahil wala siyang magawa nang araw na iyon, napagkatuwaan niyang gupitan ang 11-years old fur baby niyang si “Tommy”.

“Walang magawa, mahal kasi bayad sa pa groom, kaya try kong gupitan hirap pala,” kuwento ni Castro.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Ampangit pala kita ‘yung fats niya. Nagmukha tuloy lechon belly. Lumitaw ang mga bilbil,” biro pa niya.

Aliw na aliw rin ang mga netizens sa bagong gupit na si Tommy. Komento nila:

“Omg parang naging Lechon belly😂✌️❤️

“Kawawa Naman a baby na Yan, para kana tuloy caterpillar baby, hayaan mo na cute Ka pa din Naman.”

“Akala ko may naligaw na tupa sa group 😬😂🤣

“Cute ka nga bebe 😂 😂 😂 at least nag effort si mama mo na gupitan ka.”

“Waaah relate much, ako lang din barbero ng mga dogs ko!”

Sa ngayon ay umani na ng mahigit 5,100 reactions, 580 comments, at 335 shares ang naturang post.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!