Masayang-masaya at grateful ang pakiramdam ni "It's Showtime" host at Kapamilya actress Kim Chiu sa pagkakapanalo niya bilang Best Female TV host sa naganap na 35th PMPC Star Awards for Television noong Enero 28, 2023.

Sa isang mahabang Instagram post, masayang ibinida ni Kimmy ang kaniyang tropeo mula sa naturang award-giving body. Sinariwa ng TV host-actress ang kaniyang "humble beginnings" bilang isang host, dahil mas nakilala talaga siya bilang isang dramatic actress.

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Pagkapanalong 'Best Female TV host' ni Kim Chiu sa PMPC, inulan ng reaksiyon

"What a way to start the year!❤️⭐️🏆 Thank you PMPC Star Awards for this recognition.🥹🙏🏻," ani Kim.

"From guest co-host to regular host, from face shield to no face shield. From bashing to brushing it off and using it as constructive criticism, I used those words not to put me down but used them as a weapon to do better in what I am doing."

Aminado naman si Kim na hindi hosting ang kaniyang kalakasan. Subalit sa tulong daw ng dating Star Magic head na si Mr. Johnny Manahan o Mr. M ay talagang sumailalim siya sa iba't ibang workshops upang mahasa ito.

"Hosting is not my strength with my voice; years ago, when I started showbiz, Mr. M pushed me to attend series of workshops in voice modulation. D iko gets before but now nahilot naman ng konte.😅 thank you po. Never have I thought na makakapag-host ako."

Nagpasalamat si Kim sa pamunuan ng ABS-CBN, Star Magic, at It's Showtime para sa pagkakataong maging host siya. Dahil ito ang unang award niya bilang host, masasabi niyang isa na siyang lehitimong host.

"From the bottom of my heart, I feel grateful to my ABS-CBN Family, Star Magic Family, and, of course, my SHOWTIME family. For not giving up on me and for all the trust na binibigay nila sa akin. Every day is a learning experience, and every day is endless opportunities and chances. Thank you, fam. ❤️ LEGIT HOST NA ako!!!!!!! 🥹.

"First award as a host and I'm over the moon.🙏🏻 Lubos po akong nagpapasalamat. Sa lahat ng nakikitawa sa jokes ko thank you po, sa mga di naman, I'll do better and siyempre sa mga co-host ko SALAMAT sa laging pag-alalay at paggabay sa akin. Love you, fam!!! ❤️ Salamat din po sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa akin. 🥹 Thank you sa lahat ng bumubuo ng PMPC Star Awards and SALAMAT ITS SHOWTIME FAM."

Bumuhos naman ang mga pagbati kay Kimmy magmula sa mga kapwa celebrity at mga tagahanga. Isa na rito ang kasama niyang host sa "Pinoy Big Brother" na si Bianca Gonzales.

"So proud of you!!! You deserve it!! You know you have my support and encouragement always as Kim the host! ❤️ More to come," ani Bianca.

Una nang napaulat ng Balita ang "pagtataas ng kilay" ng ilang mga netizen sa kaniyang pagkapanalo bilang Best Female TV host.