Matibay at tunay talaga ang friendship nina John Prats at Angelica Panganiban dahil sa mga importanteng kaganapan sa buhay nila ay naroon ang isa’t isa.

Kagaya na lamang sa ibinahagi ni John Prats sa kaniyang Instagram account na nagpapakita sa binyagang naganap sa anak nina Angelica at partner nitong si Gregg Homan na si Baby Amila Sabine “Bean” Homan.

Of course ninong si John sa panganay na anak ng dalawa. Kaya naman walang pagsidlan ng tuwa ang aktor-direktor bilang pangalawang magulang ni Baby Bean.

Aniya, “Yahoo!!! May inaanak na ako sa'yo Pets @iamangelicap. Pasensiya na at hindi ka muna importante ngayon. Si bean talaga ang nagpa-excite sakin. Congratulations @gregg_homan and @iamangelicap. Forever nandito ang pamilya ko para sa inyo! Love you guys!”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Biro ni Angelica, “Happy ka diyan sa trip mo eh no?”

Sagot naman ni John ay sobrang happy daw siya bilang ninong ni Baby Bean. Lukso ng damdamin ng pagiging isang ganap na ina ang naramdaman muli ni Angelica sa mismong binyag sa simbahan ng kaniyang baby daughter dahil naging emosyonal daw ang aktres na sinaksihan ng mga ninong at ninang ng kanyang anak.

Naroon din at malamang ninang din ay sina Glaiza De Castro na isa ring close friend ni Angelica kasama ang kaniyang loving husband na si David Rainey, Cherry Pie Picache at iba pa. Kasama naman ni John Prats ang kanyang wife na si Isabel Oli. Sa mga ibinahaging larawan sa socmed ng mga friends ni Angelica kita na naghandog ng awitin si Glaiza sa reception ng binyag.

Samantala, naging matagumpay naman ang pagdidirek ni John Prats sa sold out concert ni Moira na ginanap sa Araneta Coliseum. Sa Instagram post nga ni John ng mga larawan ng concert ay puro papuri at congratulations ang naging komento ng mga netizens.          

Hindi rin pinalagpas ni John na ibahagi sa kanyang IG story ang pagiging fan at pagkakilig nito kay Chito Miranda ng Parokya ni Edgar na naging guest sa concert ni Moira. Ika niya, “Share ko lang, super fan ako ng Parokya ni Edgar. Sobra ang kilig ko na kasama si Kuya @chitomirandajr sa concert ni Moira!

Yun lang!