“Tuesday Adam’s Apple😭.”

Marami ang naaliw sa post ng netizen na si Raf Raf Ge, 27 mula sa Pasig City, tampok ang iginuhit niyang larawan ng sikat na karakter na si Wednesday Addams na agad na tinapos ng kaniyang 8-taong gulang na anak nang malingat siya sandali.

Hirit ni Raf sa caption ng kaniyang post: “Tuesday adams apple.”

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Raf na nagdesisyon siyang iguhit ang bidang karakter na si Wednesday Addams dahil madalas panoorin ng kaniyang 1 at 3 taong gulang na anak ang series na ‘Wednesday’. Hilig din daw nilang sayawin ang dance steps ni Wednesday sa nasabing serye.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

“Nag-draw ako mga 3 hours na ‘yung part na ‘yun tapos naisipan ko munang magkape para makapahinga,” ani Raf. “Pagbalik ko nga, inabutan kong tapos na nung 8 years old ko ‘yung drawing.”

Dahil tila talagang tinapos na ng kaniyang anak ang likha nito, gumuhit na lamang daw si Raf ng bagong Wednesday Addams.

“Di ko na rin iniwan, binantayan ko na rin. Baka tapusin niya ulit,” biro niya.

Bagong iginuhit ni Raf

Sa ngayon ay umani na ng mahigit 11,000 reactions, 190 comments, at 2,000 shares ang post ni Raf tungkol sa drawing niyang tinapos ng kaniyang anak.

Biro pa ng ilang netizens na kinaal: “Drawing ka na lang po ng bagong anak.🤣

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!