Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsama sa isang vlog ang dalawang Kapuso stars na sina Carla Abellana at Bea Alonzo kung saan sumailalim ang una sa pa-lie detector test ng huli.

Isa ito sa mga tampok na gawain ni Bea sa kaniyang celebrity guests sa sariling vlog. Bago nagsimula ang tanungan ay nanawagan muna sila sa GMA Network na sana raw ay bigyan silang dalawa ng proyekto, kung saan magkakasama silang dalawa.

Nagpasintabi rin si Bea tungkol sa mga tanong na pupuwede niyang maibato kay Carla. Game naman daw si Carla kahit juicy pa ang mga ito, dahil honest naman siya.

Umikot ang mga tanong ni Bea sa buhay-pag-ibig ni Carla gayundin sa work and career. Isa sa mga tanong ay kung naisipan na ba ni Carla na "lumipat ng bakod" o network transfer.

'Sey mo, Tom?' Carla Abellana, prangkang sumagot sa lie detector test ni Bea Alonzo

Noong una ay napaisip pa si Carla.

"Yes," sagot niya.

"Oo naman… I think anybody rin naman maiisip 'yon 'di ba?"

"It crosses your mind?" untag ni Bea.

'It crosses my mind. It makes you wonder, parang napapa-imagine ka."

Matatandaang ang buong career ni Carla ay nahulma sa GMA Network habang si Bea naman ay nadiskubre, nagsimula at sumikat sa ABS-CBN, bago lumipat sa Kapuso Network noong 2021.

Anyway, ilan pa sa mga naitanong ni Bea kay Carla ay tungkol sa love and relationship nito.