Personal na pinuntahan ng actress-TV host-vlogger na si Alex Gonzaga ang ilang piling avid followers at subscribers bilang pasasalamat sa ilang taong pagsuporta sa kaniya bilang YouTuber.

Number 10 trending sa YouTube ang "Dear Alex Papicture Naman + Iphone by Alex Gonzaga" habang isinusulat ang balitang ito.

"Thank you so much for subscribing, thank you so much for staying," panimula ni Alex. "Thank you so much dahil hindi kayo sumuko, hindi n'yo ko iniwan sa ating pagsasama."

Namili si Alex ng limang emails na ang hinahanap at request lamang nila ay ma-meet si Alex. Kaya naman, napagpasyahan niya itong puntahan sa kani-kanilang mga bahay upang i-grant ang kanilang hiling na makadaupang-palad siya nang personal.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Medyo emosyunal pa nga ang vlogger nang magpasalamat siya sa followers na patuloy pa ring nagpapadala ng magagandang mensahe at pagsuporta sa kaniya, sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan niya.

“Maraming-maraming salamat dahil alam ko nandiyan kayo at nagre-reply para lang pagaanin yung nararamdaman ko," diin ni Alex.