Hot topic pa rin sa Twitter si GMA trivia master at TV host Kuya Kim Atienza dahil sa kaniyang "pagsawsaw" umano sa isyung ikinakapit ng mga netizen sa "It's Showtime" hosts na sina Karylle at Vice Ganda.

Marami sa netizens at ilang fans ni Karylle na hindi na makatarungan ang "pambabastos" umano ni Vice kay Karylle sa kanilang show, gayundin ang treatment ng una, na mas tila nauungusan pa ng mga bagong dagdag na hosts na kung hindi mina-manage daw ng komedyante, ay mga kaibigan niya.

Agad namang humingi ng dispensa si Vice sa kaniyang sablay na hirit.

Nitong Biyernes, Pebrero 3, nagbiruan sina Vice at Karylle nang live. Hirit ni Vice, gagawa sila ng video ni Karylle at magsasabunutan sila dahil iyon daw ang gusto ng karamihan, ang mag-away-away sila.

Vice Ganda, kinumpirmang okay sila ni Karylle; may pasaring kay Kuya Kim?

Hindi naman inaasahan ng lahat ang tila pabiro subalit makahulugang parinig ng komedyante sa isang "Kuya."

“‘Yun ang bet nila, yung magkaaway tayo [Karylle] kunwari tas maraming maglalike-like para involved sila. Yes! Trending din siya, nakuha niya ang gusto niya. Ikaw talaga Kuya!,” saad ni Vice.

Nagpakawala rin ng "story time" si Vice at sinabi niyang okay na okay sila ni Karylle, sa pamamagitan ng Twitter.

Nagkakaisa ang mga netizen na ang tinutukoy umanong "Kuya" ni Vice ay si Kuya Kim.

Sa kasagsagan ng paglutang ng pangalan ni Karylle sa Twitter dahil sa isyung ikinakapit sa kanila ni Vice Ganda, ay nagpakawala ng tweets si Kuya Kim na "sumusuporta" sa singer-actress. Matatandaang isa sa mga orihinal na host ng Showtime ang trivia master noong nasa ABS-CBN pa ito.

Isa pa, napansin din ng mga netizen ang pag-like umano nito sa mga patutsada ng ilang netizens kay Vice Ganda, bagay na hindi pa kinukumpirma o ipinaliliwanag ng trivia master.

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1621061439489466369

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1621069811139895297

Hati naman ang naging opinyon at reaksiyon ng madlang pipol tungkol sa naging tweets ni Kuya Kim. May mga nagsasabing masyado raw siyang "sawsawero" at nakikisakay sa isyu ng iba upang sumikat.

"Wala ka bang trabaho o ginagawa Kuya Kim? Panay sakay sa isyu eh."

"Kuya Kim may amats ka ba yung totoo?"

"Bakit ka pa nagkokomento eh wala ka na nga sa Kapamilya? I think pokus ka na lang sa Kapuso projects mo. Back to you!"

"Valid ang kritisismo kay Vice. Huwag natin i-justify ang rude behaviour. Nakita rin niya iyon. Ang tunay na kalaban ay ang papansing si Kuya Kim…"

"Sige po Kuya Kim. Kunware di namin nakikita mga liked tweets mo."

"Alam ko si Karylle at Showtime lang yung usapan eh. Bakit may 'Kuya Kim' na matagal ng lumipat sa GMA na nakikisali? Di na ba napag-uusapan diyan? Di ba uso yung personal message?"

Samantala, may mga nagtanggol naman kay Kuya Kim. Kung may higit daw kasing nakakaalam sa mga kalakaran sa loob ng dating kinabibilangang noontime show, siya iyon.

"YOU CAN'T (BLAME) KUYA KIM THE WAY HE REACTS, REMEMBER HE’S ONE OF THE OG HOST, WE HAVE WITNESSED KUNG PAANO TRINATO NG SHOWTIME SINA BILLY, KUYA KIM, JUGS AND TEDDY AT ERUPTION, FROM MAIN HOSTS TO JUST A SMALL EXPOSURE. KAHIT AKO AALIS KAPAG GANYAN, SI BILLY GINAWANG HURADO NA LANG…"

"Kuya Kim knows everything.. Good decision talaga na iwan niyo yang showtime dahil si Vice Ganda lang naman ang may say sa lahat ng kaganapan sa noontime show na 'yan at super toxic pa! Isipin mo allowing rapist na mag-host sa show na 'yan."

"As usual, Kung ANO ginawa nila kay Alex Gonzaga. Gagawin nila kay Kuya Kim. Subukan n'yo. Nasa News and Public Affairs yan. Wala kayo maibabato dyan."

"Di na natiis nila Direk Bobet, Kuya Kim, Billy Crawford, Eruption ang pagiging main star diva at laitera ni VG sa noontime show na 'yan. Gumawa pa ng sarili nilang gc na di sila kasama para pag-usapan ang mga umalis sa show at laitin niya sila."

"OMG. Hahaha the fact that kuya kim keeps consistently liking this kind of tweet confirms as to why he left the network and the show. Hahaha way to go!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kuya Kim, si Vice Ganda, o maging si Karylle hinggil sa isyung ito.