Isang opisyal na pahayag ng kilalang fast food restaurant ang ipinadala sa Balita nitong Biyernes, Pebrero 3.

Ito’y hinggil sa inilabas na patalastas ng Subway Philippines na umani ng kontrobersiya dahil sa naging paglalarawan umano nito sa kababaihan.

Matatandaang nitong Miyerkules, Pebrero 1, binatikos ng Gabriela Women’s partylist ang Subway dahil sa tila kinumpara umano ng kanilang patalastas ang kababaihan sa produkto nilang sandwich.

Basahin: Gabriela, binatikos ang advertisement ng isang fast food restaurant dahil sa paglalarawan sa kababaihan

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Sa ipinadalang pahayag, sinabi ng Subway na ang nasabing burado nang patalastas ay hindi sumasalamin sa kanilang pinaniniwalaan at pagpapahalaga sa bawat indibidwal.

Hindi rin daw dapat ginawa at ipinalabas ang patalastas sa publiko, dagdag ng brand.

Humingi rin ang nasabing fast food restaurant ng paumanhin sa naging pagkakamali.

“This advertisement did not reflect our values of dignity and respect for all. It shouldn’t have been produced and has since been removed. We’re sorry for this error,” anang kabuuang pahayag ng Subway.