Bukod sa dating ABS-CBN trivia master-TV host na nasa GMA Network na si Kuya Kim Atienza, isa rin sa mga nagpatunay na isa si singer-actress Karylle sa celebrities na "nice person" sa showbiz, ay ang actress-dancer na si Dawn Chang, na isa sa cast ng "Mars Ravelo's Darna: The TV Series."

Pinakawalan ni Dawn ang tila pagsuporta kay Karylle kaugnay ng isyung ibinabato ngayon sa kanilang dalawa ni Unkabogable Star Vice Ganda, na pawang hosts ng noontime show na "It's Showtime."

Sa isang tweet, nilinaw naman ni Vice na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil okay sila ni Karylle. Hindi rin umano na-offend ang co-host sa naging pabirong hirit niya rito, subalit minabuti niyang humingi pa rin ng paumanhin.

Anyway, pahayag naman ni Dawn, isa nga sa mga celebrity na nakilala niyang may mabuting puso ay si Karylle.

'Sawsawero daw?' Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle

"Love you ate@anakarylle You are indeed a very nice person. Probably the nicest person I know in Showbiz. I will always cheer for you," aniya sa kaniyang tweet noong Pebrero 2.

https://twitter.com/thedawnchang/status/1621158168515743747

Subalit kagaya ng nangyari kay Kuya Kim, may ilang mga netizen na tila hindi nagustuhan ang "pagsawsaw" umano ng aktres-dancer na unang nadiscover bilang housemate sa "Pinoy Big Brother" at naging miyembro pa ng GirlTrendz sa nabanggit na noontime show.

May ilan pang nag-ungkat sa naging "tensyon" sa pagitan umano nila ni Chie Filomeno, na isa sa mga hurado ngayon ng segment na "Girl on Fire."

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:

"Te walang inapi tumatawa pa si @anakarylle porket nasa Showtime si Chie…"

"Sawsaw pa more!"

"Sawsawera, uwe!"

"Wag nang pahabain pa ang issue hayaan natin silang ayusin kung meron man. Maasim ang sawsawan mo."

"Ay gusto rin mag-trend."

"Teh puwede magsabi ng 'I love you' na di na pinapadaan or pinopost ng social media. Puwede naman thru text or chat kaloka kayo ni @kuyakim_atienza."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dawn o maging si Karylle tungkol dito.