Naglabas ng bagong pahayag ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda matapos ang kaliwa’t kanang pambabatikos ng netizens dahil sa umano’y pambabastos nito sa co-host niya sa “It’s Showtime” na si Karylle.

“Story time! Magkakasama kami ni K at Tyang and Anne sa dressing room. Di daw sya naoffend when i asked her. But i still apologized. So to simplify WE ARE OK,” lahad ni Vice sa isang tweet.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/vicegandako/status/1621377775616794626?s=46&t=0WgZMJlH9XQyInaiBPolcA

Kagabi ay nauna nang nagsalita si Vice patungkol sa isyu at sinabing alam niya ang kanyang nagawa at babawi siya.

Basahin:https://balita.net.ph/2023/02/03/netizens-tinalakan-si-vice-ganda-sobra-na-nga-ba-ang-pando-dogshow-kay-karylle/" target="_blank">https://balita.net.ph/2023/02/03/netizens-tinalakan-si-vice-ganda-sobra-na-nga-ba-ang-pando-dogshow-kay-karylle/

Sa pag-ere noontime show ngayon hapon, biruan ng mga hosts na maraming nanonood sa kanila ngayon dahil sa isyu. Gayunman, tila nagpasaring naman si Vice kay Kuya Kim Atienza na tila nakisawsaw sa isyu.

“‘Yun ang bet nila, yung magkaaway tayo [Karylle] kunwari tas maraming maglalike-like para involved sila. Yes! Trending din siya, nakuha niya ang gusto niya. Ikaw talaga Kuya!,” saad ni Vice.

https://twitter.com/officialkpex/status/1621376654760349697?s=46&t=0WgZMJlH9XQyInaiBPolcA

Wala pang reaksyon ang dating host ng programa na si Kuya Kim sa pahayag na ito ni Vice.