Magpapatupad ng malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Pebrero 7.
Inaasahang mula₱2.40 hanggang₱2.70 ang tapyas sa presyo ng diesel, aabot naman hanggang₱2.20ang ibabawas sa bawat litro ng presyo ng gasolina.
Sinegundahan naman ng Department of Energy (DOE) ang naturang hakbang ng mga oil company.
Ang nakaambang price adjustment ay alinsunod sa 4-day average price nito (mula Enero 30-Pebrero 2) sa pandaigdigang merkado.
Nasa₱7.20 na ang kabuuang ibinawas sa presyo ng gasolina,₱3.05 naman sadiesel at₱4.45 naman sa kerosene ngayong taon.