Nag-aalok ng libreng eye checkup at cataract surgery sa mga kwalipikadong pasyente sa lungsod ang Las Piñas.

Ayon kay Mayor Imelda Aguilar, ang libreng eye checkup at cataract surgery ng City Health Office ay bahagi ng mandato ng lungsod na magbigay ng tulong sa mga residente sa pamamagitan ng “green card” program.

Sinabi ni Aguilar na ang libreng serbisyong medikal ay ibibigay sa mga residente sa pagsusuri sa mga health center sa lungsod at sa pagsusuri ng ophthalmologist ng pamahalaang lungsod.

Aniya, isasagawa ang operasyon sa Las Piñas Doctors Hospital sa Barangay Pulanglupa II.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pinayuhan ng alkalde ang mga pasyente na kumuha ng letter of authorization para sa paggamit ng green card bago ang operasyon.

Jean Fernando