Kumpiyansa si Queen of All Media Kris Aquino na gagaling siya sa kaniyang sakit dahil nakahanap na siya ng bagong doktor na titingin sa kaniya.
Sa latest Instagram post nitong Huwebes, Pebrero 2, nag-upload si Kris ng isang video na nagmistulang life update niya.
Sa caption ng post, sinabi ng aktres na kinokonsidera niyang "the best" ang kaniyang bagong doktor. Naghintay pa raw siya ng tatlong buwan para sa face-to-face consultation.
"For all of you, thank you for continuing to pray for me- i failed to ask his permission if i could name him, but my new doctor is considered among the BEST," aniya.
"I waited 3 & a half months to have a face to face consultation- and i know i made the right choice because after months of uncertainty, he gave someone like me, suffering from multiple autoimmune conditions the most important element needed: the renewed confidence to HOPE that although it will be a long process, i do have a strong chance of getting better," dagdag pa niya.
Kasalukuyang nakikipaglaban ang aktres sa apat na autoimmune disease.
Noong nakaraang buwan, nagtungo si Kris sa Disneyland sa California kasama ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/28/promise-fulfilled-kris-aquino-mga-anak-nagtungo-sa-disneyland/