Patuloy na makararanas ng katamtamang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa nitong Biyernes, Pebrero 3, bunsod ng northeast monsoon o amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, magiging maulap na may katamtamang pag-ulan sa mga lugar sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila, at Visayas dahil sa amihan.
Wala namang inaasahang masamang magiging epekto ng pag-ulan sa mga nasabing lugar.
Samantala, magkakaroon ng kaulapan na may kasamang panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms sa mga bahagi ng Mindanao dulot ng localized thunderstorms.
Dahil dito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga lugar sa Mindanao sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malakas na thunderstorms.