Sa latest Instagram post, may payo si Manay Lolit Solis sa Kapuso actress at fashion socialite na si Heart Evangelista hinggil sa pagkakaroon ng anak.

Sey ni Lolit, hindi raw dapat pansinin ni Heart ang pressure na ipinupukol sa kaniya ng mga tao pagdating sa pagkakaroon ng anak.

"Iyon pressure kay Heart Evangelista paramagkaroonng anak dapat hindi niya pinapansin, Salve. Lahat ng bagay dumarating sa buhay mo sa tamang panahon. Kung ibibigay ng langit, darating iyan at matatanggap mo ng buong pagmamahal," aniya.

"Huwag padala sa pressure ng mga tao na hindi naman kasali sa buhay nyo. Basta nagmamahalan sila ni Chiz Escudero iyon ang mahalaga. Kung talagang darating, darating iyan," dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinuri rin ni Lolit ang kagandahan ng aktres.

"Ang ganda ngayon ni Heart, huwag siyang padala sa pressure baka magkaroon pa siya ng wrinkles sa mukha. Mas kailangan iyon happy sila ni Chiz, at mas mahalaga iyon dahil ito ang magbubuo sa kanila kahit wala silang anak. Basta Heart stay happy and beautiful, at darating din ang blessing na hinihintay mo. Bongga ka Heart Evangelista."

Hindi na rin lingid sa kaalaman ng iba na palaging pinupuna ng mga netizen ang hindi pagkakaroon ng anak nina Heart at Chiz.

Minsan na ring sinabihan si Heart na magpa-IVF oIn-Vitro Fertilization.

Gayunman, mariin namang sinasagot ng aktres ang mga ganoong komento.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/04/16/heart-evangelista-sinabihang-magpa-ivf-ng-isang-netizen/