Hinangaan sa online world ang mga obra ng Multimedia Art student na si John Chris Quijano Labrado, mula sa San Fernando, Cebu na konektado waring pinagkokontekta niya ang mga tao at kapaligiran.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ng 21-anyos na ang kaniyang mga nalikhang obra gamit ang photoshop at minimal blender 3D ay hango sa kaniyang adbokasiyang pangalagaan ang kapaligiran.

Bukod sa isinilang sa isang probinsya, ang kapwa environmentalist na mga magulang ni Labrado ang nagtulak sa kaniya para gamitin ang talento sa sining para ipaalala sa mga tao ang ganda at halaga ng kapaligiran.

“They influenced me to love nature and take care of it, so [as] I grew older, it’s always been my hobby to edit with some touch of nature,” aniya.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Sa mga obra ni Labrado kung saan makikitang ang kalahati ng kaniyang mukha at katawan ay tila mga ugat at kahoy, ipinaliwanag niya na ang pagiging iisa ng taong lumisan na at ng kapaligiran ang pinagmulan ng kaniyang konsepto.

“It’s like becoming one with nature. Once we die, our body will become part of nature and for me is kinda awesome and fascinating. [It’s] the concept of burying your deceased loved ones and planting trees above it so that your flesh and body can serve as a fertilizer,” kuwento niya.

Hindi naman daw siya makapaniwala na magva-viral at marami ang makaka-appreciate sa mga obra niya ngayon dahil maga-apat na taon na rin simula nang magsimula siyang gumawa ng ganitong klase ng sining.

“I feel like I’m in a cloud nine, over the moon,” aniya. “It seems like everyone embraces this art of mine.”

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 40,000 reactions, 435 comments, at 9,400 shares ang inani ng bagong post ni Labrado tampok ang kaniyang environment-inspired na obra.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!