Sa ika-14 na pagkakataon, napili muli ang Angat Pinas, Inc. (Angat Buhay) non-government organization ni dating pangalawang pangulo Atty. Leni Robredo bilang chosen charity sa game show na “Family Feud Philippines.”

Sa episode na umere Huwebes, Pebrero 2, nagtapat ang mga casts ng sikat na pambatang programa noon na “Sineskwela” at “Batibot,” kung saan sa huli, ang grupo nila Kuya Bodjie Pascua, Rose Nalundasan, Soliman Cruz, at Adriana Agcaoili ng Team Batibot ang nag-uwi ng jackpot prize na 200,000 pesos dahilan upang makapag-donate sila ng 20,000 pesos sa kanilang benepisyaryo.

Tuwang-tuwa naman ang mga tagasuporta ng nasabing NGO dahil tila suki na nga ito sa game show.

Matatandaang nauna nang magbigay ng suporta ang iba’t ibang grupo sa Angat Buhay na sinimulan ng pamilya ng celebrity doctor na si Manny Calayan, pamilya ng aktor na si Axel Torres, pamilya ng aktres na si Lotlot de Leon, maging ang mga bandang Tanya Markova, Mayonnaise, at marami pang iba.

Mapapanood ang “Family Feud Philippines” Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA Network.