Aprubado na ng House Committee on Youth and Sports Development ang pitong panukalang batas na may kaugnayan sa isinusulong na Adolescent Pregnancy Prevention Act sa bansa.

Kabilang sa mga mungkahing batas na ipinasa ng komite na pinamumunuan niIsabela 5th District Rep. Faustino Michael Dy III nitong Huwebes, angHouse Bill (HB) 79 na inakda ni Albay Rep. Edcel Lagman; HB 2062 ni Rizal Rep. Juan Fidel Felipe Nograles; HB 2524 ni Calamba City Rep. Charisse Anne Hernandez; HB 3211 ni Samar Rep Stephen James Tan; HB 5559 ni Quezon City Rep. Patrick Vargas; HB 6901 ni La Union Rep. Francisco Paolo Ortega; at HB 6964 ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Danniel Manuel.

Layunin ng mga panukalang batas na lumikha ng mga panuntunan na pipigil sa pagdami ng nabubuntis na teenager sa bansa.

Noong 2019, ang Pilipinas ang ikalawa sa Timog-Silangang Asya na may pinakamataas na adolescent birth rate na 5.9 porsyento sa mga edad na 15 hanggang 19, ayon kay Dy.

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Nangunguna ang Laos sa pagkakaroon ng 6.33 porsyento.

Nasa 2,411 aniya ang nanganak na may edad na 10 hanggang 14 noong2019 at nagpatuloy ito sa nakaraang 11 taon.