Dalawang Japanese senior citizens na kapwa 79 taong gulang ang tagumpay na nakaakyat sa Mt. Apo sa Davao del Sur at nagsilbing pinakamatandang foreigners na nakatungtong sa tuktok nito.

Ayon sa Facebook post ng Sta. Cruz Tourism, sina Chishiho Okada at Hiromi Matsumuto ang dalawang nasabing Japanese climbers na umakyat sa Mt. Apo noong Enero 21 hanggang Enero 23, 2023, kasama ang 11 pang senior citizens.

Mas matanda nang isang buwan si Okada, na ipinanganak noong Pebrero 2, 1943, kay Matsumuto na isinilang naman noong Marso 17, 1943.

Samantala, ang Davaoeño climber na si Pascacio Carcedo pa rin ang nananatiling pinakamatandang nakaakyat sa Mt. Apo matapos itong tagumpay na makatungtong sa tuktok noong Setyembre 2022 sa edad na 83.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Ang Mt. Apo ang itinanghal pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas na may taas na 9,692 feet (2,954 metres).

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!