Nag-turnover ang Department of Health (DOH) - Ilocos Region ng isang magnetic resonance imaging (MRI) machine sa Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital, na isang provincial government-owned hospital sa Laoag City, Ilocos Norte, upang mai-upgrade ang mga serbisyo nito at makapaghatid ng mas accurate na diagnostic tests sa ilang medical conditions.

“Mas mapapabuti at mabibigyan ng tamang lunas ang mga maysakit sa tulong ng MRI machine dahil mas masusuri na silang mabuti. The MRI has been proven valuable in diagnosing a broad range of conditions, including cancer, heart and vascular disease, and muscular and bone abnormalities and everyone can avail of its service at the provincial hospital,” ayon kay Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, sa isang kalatas nitong Huwebes.

“Under the Universal Health Care, ang mga health facilities ng gobyerno ay ating aayusin at bibigyan ng mga kinakailangang mga health equipment upang lahat ng mga pasyente ay mabigyan ng kinakailangan nilang medical care at treatment at hindi na kinakailangang pumunta sa mga malalayong hospital upang makapagpagamot,” aniya pa.

Nabatid na ang naturang MRI machine ay pinondohan ng health department ng ₱48.5 milyon sa pamamagitan ng kanilang General Appropriations Act of 2020 at ipinasilidad ng kanilang Health Facility Enhancement Program (HFEP).

Eleksyon

Doc. Willie Ong, inendorso si Sen. Imee Marcos

Layunin ng HFEP na paghusayin ang mga public health facilities sa pamamagitan nang konstruksiyon ng mga bago at pag-upgrade at rehabilitasyon ng mga nakatayong public health facilities at mga serbisyo sa bansa.

Laking pasalamat naman ni Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc matapos na tanggapin ang naturang medical equipment sa pamamagitan ng deed of donation at tiniyak na pangangalagaan at gagamitin nila ito ng maayos.