Tila may bago nang sumbungan ang taumbayan sa panibagong programa ng GMA 7 tampok ang magkapatid na sina dating Senador Alan Peter at Senadora Pia Cayetano, kasama ang “King of Talk” na si Boy Abunda.

“Nandito na ang kakampi ng mga nasa katwiran - CIA with BA! Abangan!,” ayan ang sey mula sa opisyal na Facebook page ng “Cayetano in Action with Boy Abunda.”

Internasyonal

Pope Francis, simpleng libing lang ang gusto — Vatican

Maganda naman ang mga komentong ng netizens sa trailer ng “CIA with BA.”

“Nakaka-excite naman ito, isa sa masasandalan ng bawat Pilipino na hindi gaano kaalam sa batas at kakampi sa mga nasa katwiran.”

“Napaka-ganda ng konsepto ng naisip ng GMA para kunin ang mga mahuhusay na senador tulad ng mga Cayetano at sinamahan pa ni Tito Boy talagang nakakapanabik ang mga aksyon na gagawin nila upang matulungan ang mga mahihirap na inaapi”

“Maganda itong palabas na ito para mas maging aware tayo sa mga batas.”

Ilan lang yan sa mga paglalahad ng netizens.

Boy Abunda, Pia Cayetano, at Alan Peter Cayetano (Larawan mula sa CIA with BA Facebook page)

Samantala, sa TikTok account naman “CIA with BA,” hindi maiwasan na maikumpara ang bagong programa sa TV show na “Face to Face” ni Tiyang Amy Perez na umere sa TV 5 taong 2010. Sinasabi ng ilan na may kaparehas na konsepto ito kung saan tila may on-air barangay hall na matutunghayan ang mga audience.

May mga nagsabi pang para itong "Raffy Tulfo in Action (RTIA)."

Screengrab mula sa TikTok account ni CIA with BA

Ang “Cayetano in Action with Boy Abunda” ay magsisimula na sa darating na Linggo, Pebrero 5, 11:30 ng gabi at mapapanood sa GMA 7.