Isang journalist ang nagpahayag na puwedeng-puwedeng maging alternatibo o tapatan ni showbiz columnist-talent manager Ogie Diaz si King of Talk Boy Abunda lalo na sa mga showbiz-oriented talk show.

Sa ngayon kasi ay muling namamayagpag si Tito Boy sa telebisyon matapos bumalik sa GMA Network, ang kaniyang dating home network, matapos ang dalawang dekada sa ABS-CBN.

In fairness naman, simula sa pilot episode kay Marian Rivera hanggang sa mga pasabog ni Dina Bonnevie ay talagang nakaabang ang mga marites sa matitinding pasabog ng mga artistang umuupo upang maging guest niya. Nakatutuok na rin dito ang mga showbiz reporter at writers para may maisulat na tsika sa showbiz news.

Sey ni Philip Lustre, Jr., "OGIE Diaz should've his own talk show, netizens say. He's a great alternative to Boy Abunda, who is a showoff, although not exactly bright. Besides being a natural comedian, Ogie also asks intelligent questions. BA is so insecure and his tendency is to show off. Pa-impress si BA."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Niretweet naman ito ni Ogie at kinomentuhan.

"Nako po, sir, kahit mahina na po ako sa kanin, marami pa po akong isasaing na bigas para maging siya. Tinitingala ko po si Kuya Boy. Pero salamat pa rin po sa papuri," aniya.

https://twitter.com/ogiediaz/status/1620440718585257984

Si Ogie ay hindi aktibo ngayon sa telebisyon subalit nakatutok din sa kaniya ang mga marites dahil sa dalawang showbiz vlogs: Ang "Ogie Diaz Showbiz Update" na nagbibigay ng mga latest tsika, at "Ogie Diaz Inspires" na nagsasagawa naman ng panayam sa iba't ibang personalidad.