Kinilabutan ang netizens nang namataang pugot ang ulo ng isang lalaki na naglalakad sa labas ng Manila Cathedral.

Sa uploaded video ng Facebook user na si Kaye Gonzales, makikita rito na habang bumabatingting ang kampana ng Manila Cathedral dakong ika-siyam ng gabi ay biglang dumaan ang isang lalaking nakaputi, na makikita sa video na walang ulo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa pamahiin, ang mga taong namataang pugot o putol ang ulo, mapa-personal man, larawan, o sa isang video, ay madalas malalapit sa aksidente.

Gayon na lamang ang takot ng mga nakapanuod sa video.

Samantala, ikinomento naman ni Gonzales ang isang CCTV footage na makikitang hindi naman pugot ang ulo ng lalaki na naglalakad sa gilid ng cathedral.

"May nagsend sakin ng picture sa cctv nila. Kita sa cctv yung whole body ni manong na nahagip ng video," komento ni Gonzales kalakip ang isang larawang nagpapakita na buo ang katawan ng lalaking namataang walang ulo sa video.

Larawan: via Kaye Gonzales/FB