Bago magtapos ang mahabang buwan ng Enero ay binasag na ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang kaniyang katahimikan hinggil sa hindi mamatay-matay na isyu ng pambabarda niya noon sa isang co-star sa teleserye, na finally ay pinangalanan na niya---si Alex Gonzaga!

Naganap ang diretsahang pag-amin at pagsasalaysay nito sa pamamagitan ng "Fast Talk with Boy Abunda." Dito ay detalyadong ikinuwento ni Dina kung ano-ano ang mga nangyari noon.

Ekstra detalye naman sa mga marites ang nai-ispluk niyang nagagalit umano si Alex sa co-star nila noon sa seryeng "P.S. I Love You" na si Nadine Lustre kapag nauunahan siya nitong umiyak. Katwiran daw kasi ni Alex ay eksena niya 'yon kaya huwag sana siyang masapawan.

Anyway, nagbigay rin ng reaksiyon at komento si Dina sa naging podcast naman ni Alex, kaya rin naungkat ang 2018 video niya. Pag-amin ni Dina kay Tito Boy, may mga bumubuyo na raw sa kaniyang patulan ang actress-TV host-vlogger dahil sa "kabastusan" nito.

Dina Bonnevie, diretsahan nang pinangalanan si Alex Gonzaga na 'tinalakan' noon

"'Yung mga taong nagsasabi, 'Sagutin mo na, ang bastos, tinawag kang matanda, hindi ako na-offend na tinawag akong matanda," sey ni Dina.

"It's true, matanda na ako, I'm 61. But I see people at 61, they're still looking fresh. Sorry, but I feel fresh, and I think I look fresh. Hindi ako na-offend doon."

Hindi raw sa deskripsiyong "artistang matanda" na-offend si Dina kundi sa pinalalabas nitong "she's painted as the bad guy" sa podcast episode nitong "I Am Always The Bad Guy."

"Kaya ako nagulat na bakit dumating 'yung parang matandang artista when you're painted as the bad guy. For me, doon ako nainis. Kasi 'painting you as a bad guy' is inventing stories to make you look bad. But I wasn't inventing stories," giit pa ni Dina.

Nilinaw naman ng beteranang aktres na nakalipas na iyon at kaya lamang siya sumasagot ngayon ay dahil nauungkat at hindi pa mamatay-matay. Wala rin aniya siyang galit kay Alex. Sa katunayan ay nagkita na ulit sila nang minsang mag-guest siya sa "Lunch Out Loud" (Tropang LOL ngayon). Naging maayos raw ang pakikitungo sa kaniya ni Alex.

"But that's past. It has changed. Nagbago naman siya bago matapos ang taping. Okay, hindi ako galit sa kaniya," ani Dina.

Bukas naman daw ang FWTBA para naman sa panig ni Alex kung nais nitong magbigay ng pahayag tungkol dito.