Maraming inamin ang Kapamilya singer na si Jed Madela hinggil sa kaniyang singing career, sa naging panayam sa kaniya ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, sa kaniyang talk show-vlog na "Toni Talks."

Ayon kay Jed, dumating na rin sa puntong nais na niyang huminto sa pagkanta dahil parang wala naman daw uma-appreciate sa kaniya sa industriya, lalo na kapag may mga bagong paparating na singers.

"Parang mas pinapansin na nila yung mas bata, mga bago… for a while, I considered stopping na lang kasi hindi na ako masaya. Hindi na ako masaya how the industry was treating me."

Sa kabila nito ay patuloy pa ring lumalaban si Jed dahil alam niyang may talento siya.

Jed Madela, bet mag-Valentine concert, nanawagan ng producers

"I am blessed that I am given the opportunity to share, kasi sayang lang din kung may talent ka… wala kang opportunity to share the talent," ani Jed.

Matatandaang pinag-usapan ang panawagan niya sa mga producer na sana raw ay mabigyan siya ng Valentine concert.

Simula nang magwagi sa isang international singing competition ay naging bahagi na siya ng ABS-CBN.