Usap-usapan ngayon ang tila pasaring ni dating Comelec Commissioner at P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon kay actress-TV host-vlogger Alex Gonzaga matapos itong pabirong ayain sa Dinagsa Festival na ginanap sa Cadiz City noong Enero 30.

Makikita sa social media platforms ni Guanzon ang mga litrato niya kung saan punumpuno siya ng mga pinahid na makukulay na pintura sa kaniyang mukha at katawan, kasama ang iba pang mga residente roon. Isa ito sa makukulay na tradisyon ng Dinagsa Festival.

"Halika na Alex Gonzaga," caption ni Guanzon.

Waiter sa viral video ni Alex Gonzaga, nagsalita sa pirmadong sulat: ‘Nag-sorry siya saken’

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1619540741407248394

Matatandaang nalagay sa eskandalo si Gonzaga dahil sa pabirong pamamahid ng icing ng cake sa isang waiter, sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan noong Enero.

Samantala, pinag-usapan din ang viral video ng "pagwawala" ni Guanzon matapos umanong awayin ang nambastos sa kaniyang pamangkin. Inapakan din umano ang kaniyang paa.