Isa na siguro sa mga pinakamatatag na celebrity couple na nagsasama ngayon ay sina John Prats at Isabel Oli, na kahit kailan ay hindi yata nagkaroon ng intriga sa kanilang pagsasama.

Sinong mag-aakalang 10 taon na pala silang mag-asawa?

Iyan din ang naramdaman ng Kapamilya actor at director na si John Prats matapos niyang mag-iwan ng nakaaantig na mensahe para sa ika-10 wedding anniversary nilang mag-asawa.

"Happy 10 years my Love! Grabe! Ang bilis ng panahon! Sa loob ng Sampung Taon, napakaraming nangyari, binayayaan tayo ng 3 anak at nabuo natin ang pamilya na pinangarap natin," ani Pratty.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aminado naman si John na hindi perpekto ang kanilang relasyon.

"Hindi perpekto ang relasyon natin, pero sa lahat ng seasons ay napagtagumpayan natin. Sa Hirap at Ginhawa nga ay ikaw ang aking makakasama! Maraming salamat sa pagmamahal na walang kapantay! I love you sooooo much!!! Salamat Lord God dahil lagi kang nakagabay sa amin."

Hindi rin naman nagpahuli si Isabel at nagbigay rin ng anniversary message sa kaniyang esposo.

"They say time flies when you’re having fun. And it’s true! It has been 10 years since we met each other. Would be nothing if not for the love we have for each other and God. This anniversary is a blessing for the both of us. We’ve faced challenges and at times disagreements, but we still make it work by God’s grace."

"Through all of the laughter, the tears, and all that comes between, our relationship has grown stronger with each passing year. You also have made me a better person and you have grown as a man in many ways too."

"God always makes things better than I could ever imagine. I am thankful that we have been guided, loved by God and for His amazing grace. Can’t help but look back in awe at how far we’ve come with thankful hearts that God has been the orchestrator of our lives and our love story."

"Happy 10 years to us CUFF! Love you @johnprats," ani Isabel.