Naitala na ng Department of Health (DOH) ang pinakamababang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa simula noong Abril 2020.
Sa datos ng DOH, nasa 89 na lamang ang bagong kaso ng sakit nitong Enero 31.
Paliwanag ng ahensya, nangangahulugan lamang na unti-unti nang nawawala ang hawaan ng sakit sa bansa.
Nitong Martes, umabot na sa 9,632 ang aktibong kaso ng sakit sa Pilipinas.
Dagdag pa ng ahensya, 4,073,203 na ang kaso nito sa bansa, kabilang ang 65,779 na binawian ng buhay.