Hindi maitatatwang in-demand actor ngayon ang gumaganap na "Fidel" sa hit teleseryeng "Maria Clara at Ibarra" na si David Licauco, na talaga namang kinakikiligan hindi lamang ng kababaihan kundi maging ng sangkabekihan.

Dahil sa angking-husay sa pag-arte, hindi maitatangging good looks at chemistry nila ni Barbie Forteza, talaga namang tila marami na ang "pumipila" para sa kaniya. Ngunit marami ang nagsasabing kagaya kay Kapamilya actor Joshua Garcia ay mukhang punumpuno na rin ang mga abangers kay David.

Kaya naman, isang netizen na nagngangalang "Jayden Bang" na kung sakaling hindi palarin kay David, eh baka sa kapatid na lamang nitong kasing guwapo at charming niya puwedeng pumila.

"Kung hindi papalarin kay David Licauco puwede bang sa kapatid n'ya na lang na volleyball player?," saad nito, kalakip ang ilang larawan ng sinasabing kapatid ng Kapuso actor.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Ang kapatid na tinutukoy ay si James Licauco na manlalaro ng volleyball sa Ateneo De Manila University.

Anila, sana raw ay pasukin na rin ni James ang mundo ng showbiz at mahasa ang talento sa pag-arte gaya ng kaniyang kuyang si David.