Nagbigay ng reaksiyon ang misis ni Pambansang Kamao at dating senador Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa kumakalat na tsikang gumugulong na raw ang annulment nilang mag-asawa, at kawawa naman daw siya dahil buntis pa mandin.
Pinabulaanan ni Jinkee ang tsika sa pamamagitan ng pagbibigay-reaksiyon sa Instagram post ng kaibigang talent manager at aktres na si Annabelle Rama.
"SA LAHAT NG MARITES, TIGILAN NYO NA ANG PAG-IMBENTO NG KWENTO TUNGKOL KAY JINKY NA MAG FILE NG ANNULMENT, AT KAWAWA NAMAN DAHIL BUNTIS. I JUST WANT TO CLARIFY SA LAHAT NG NAG TXT AT TAWAG SA AKIN KUNG TOTOO ANG CHISMIS, NO IT'S A FAKE NEWS," giit ni Annabelle.
"UNANG UNA, SA NAKIKITA KO IMPOSIBLENG MAG HIWALAY ANG MAG ASAWA DAHIL SA NAKIKITA KO ANG SWEET NILA AND HAPPY FAMILY. BUSY SI JINKY SA 3 HECTARE MANSION NA PINAPAGAWA NI MANNY PARA SA DREAM HOUSE NILANG MAG ASAWA AT MALAPIT NA ITONG MATAPOS."
"KAYA YUNG MGA MARITES, TIGILAN NYO NA. ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG CHISMIS MAMATAY KA SA INGGIT."
Kalakip ng IG post na ito ang litrato nila sa isang event, kasama ang mister na si Eddie Gutierrez at dating Narvacan, Ilocos Sur mayor Luis "Chavit" Singson.
Sa comment section ay makikitang nagkomento rito si Jinkee.
"Ang taba ko s pic nato tita."
"Hayaan mo na sila God bless them!"
"Vengeance is mine I will repay, says the Lord," pa-bible quote pa ni Jinkee.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag mula mismo sa dating senador tungkol sa isyu.