Pasabog ang "Fast Talk with Boy Abunda" ngayong Martes, Enero 31, dahil sa diretsahang pag-amin ng batikang aktres na si Dina Bonnevie, na ang pinag-usapang blind item niya hinggil sa isang aktres na "nagpasaway" sa set ng taping ng kanilang serye, ay si Alex Gonzaga.

Tumugma ang mga espekulasyon ng mga netizen sa totoong taong tinutukoy ni Dina. Nagkataon lamang daw na natanong siya sa isang press conference kung nakaranas na siya ng isang katrabahong primadonna. Naisip nga niya si Alex.

Hindi lamang naman daw siya ang nagreklamo noon sa aktres-vlogger kundi maging ang mga kasamahang sina Gabby Concepcion, Cheska Iñigo, at Nadine Lustre. Ang teleseryeng ito ay "P.S. I Love You" ng Viva Television at TV-5. Nagkataong siya raw ang naging spokesperson.

"That happened twelve years ago. We were doing a teleserye then. And it didn’t come naman without reason. I mean, we were working together. Kaya lang kasi, it didn’t only happen once, twice, thrice. So, hindi lang naman ako. There were other co-workers who were also getting irked about yung working habits niya or the way she was working with us," ani Dina.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"So, napag-usapan na ako ang spokesperson. Si Gabby… anyway nabanggit ko na, Gabby (Concepcion), Cheska Iñigo, si Nadine Lustre."

“We were all together and nobody had the strength or the audacity to come up to her and talk to her."

"So, okay, ako ang magiging spokesperson."

Hindi rin totoo umano ang kine-claim ni Alex na pinagsisigawan siya mula ulo hanggang paa, gaya nang naibahagi nito sa podcast tungkol sa "artistang matanda."

Nagkapalitan din umano sila ng mga salita dahil kinompronta na nga ni Dina si Alex nang dumating ito sa set na wala pang make-up at hindi pa nakaayos, sa buyo na rin ng kaniyang mga co-stars.

Nagpaliwanag daw si Alex na marami siyang ganap ng mga sandaling iyon dahil siya ang hino-hone na "frontline star" ng TV5.

"Pero siyempre, ang point namin is, o sige, sikat siya. Maraming ibinibigay sa kanya yung 5, marami siyang ganap, but this is your responsibility to your co-workers.”

Matapos daw nilang mag-usap, kinabukasan daw ay nagpunta si Mommy Pinty Gonzaga upang ipaliwanag ang panig ng anak.

Nilinaw naman ni Dina na wala siyang sama ng loob kay Alex. Sa katunayan nga raw, nagkita pa sila sa "Lunch Out Loud" nang mag-guest siya roon.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Alex tungkol dito.