Nawindang ang online world sa panibagong pasabog ng batikang aktres na si Dina Bonnevie hinggil sa pagbanggit niya nang diretsahan kay Alex Gonzaga bilang co-actress na napagsabihan niya dahil sa "unprofessionalism" sa viral video niya noong 2018, na naungkat naman noong nakaraang taon.

Ngunit sa panibagong karagdagang detalye ngayon ni Dina matapos ang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda," nabanggit pa ni Dina na nagagalit daw si Alex noon kapag nauunahan siyang umiyak sa eksena ni Nadine Lustre, na kabilang sa seryeng "P.S. I Love You" ng Viva Television at TV-5.

Nabanggit ni Dina si Nadine matapos niyang ikuwento kung paano niya pinangaralan si Alex, dahil minsan daw ay hindi ito makaiyak sa eksena nila.

"Nagagalit siya kay Nadine (Lustre) kung nauunang umiyak si Nadine. Eksena daw niya ‘yon," ani Dina.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

“Anyway, long and short of it, sabi ko, 'I’m not talking to you like this because I want to put you down. I want you to succeed in your career. I want you to be great.'"

Agad namang nag-trending sina Nadine Lustre, Alex Gonzaga, Dina Bonnevie, at maging ang Fast Talk with Boy Abunda dahil dito.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Nadine o Alex sa isyung ito.