Isang Instagram post ang pinakawalan ng talent manager-actress na si Annabelle Rama hinggil sa mga kumakalat na tsismis na umano'y sumasailalim sa proseso ng annulment ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Si Annabelle ay kilalang malapit sa pamilya Pacquiao; sa katunayan, isa si "Bisaya" sa mga celebrity na nag-endorso at nangampanya para sa kandidatura sa pagkapangulo ng noo'y senador na si Manny Pacquiao.

"SA LAHAT NG MARITES, TIGILAN NYO NA ANG PAG-IMBENTO NG KWENTO TUNGKOL KAY JINKY NA MAG FILE NG ANNULMENT, AT KAWAWA NAMAN DAHIL BUNTIS. I JUST WANT TO CLARIFY SA LAHAT NG NAG TXT AT TAWAG SA AKIN KUNG TOTOO ANG CHISMIS, NO IT'S A FAKE NEWS," giit ni Annabelle.

"UNANG UNA, SA NAKIKITA KO IMPOSIBLENG MAG HIWALAY ANG MAG ASAWA DAHIL SA NAKIKITA KO ANG SWEET NILA AND HAPPY FAMILY. BUSY SI JINKY SA 3 HECTARE MANSION NA PINAPAGAWA NI MANNY PARA SA DREAM HOUSE NILANG MAG ASAWA AT MALAPIT NA ITONG MATAPOS."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"KAYA YUNG MGA MARITES, TIGILAN NYO NA. ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG CHISMIS MAMATAY KA SA INGGIT."

Kalakip nito ang litrato nilang magkakasama sa isang event, kasama ang mister na si Eddie Gutierrez at dating Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis "Chavit" Singson.

Sa comment section ay makikitang nagkomento rito si Jinkee.

"Ang taba ko s pic nato tita."

"Hayaan mo na sila God bless them!"

"Vengeance is mine I will repay, says the Lord," pa-bible quote pa ni Jinkee.

Screengrab mula sa IG ni Annabelle Rama

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag mula mismo sa dating senador tungkol sa isyu.