Napaiyak umano sa saya si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda matapos mabasa ang magagandang komento at feedback ng mga netizen sa kaniyang #GandaraTheBeksplorer na mapapanood sa kaniyang YouTube channel.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ito ay serye ng pagpapakita sa biyahe ni Vice Ganda sa iba't ibang lugar kasama ang mga kaibigan; ngunit ang extra special dito, nagbibigay siya ng tulong sa mga taong kaniyang nakikilala sa kanilang biyahe.

Masaya si Meme Vice hindi lang dahil sa monetization nito kundi maging sa epekto nito sa mga manonood, at lalong-lalo na sa mga natutulungan niya.

"Di ako laging nakakapagbasa ng mga comments sa YouTube. Pero nung nabasa ko yung mga comments n'yo sa bawat episode ng #GandaraTheBeksplorer di ko din mapigilang maiyak sa saya," saad ng TV host-komedyante sa kaniyang tweet.

https://twitter.com/vicegandako/status/1619630224110682113?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1619630224110682113%7Ctwgr%5E9ca6c6da71e003ef28976a12584127a990a3adfd%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fkami.com.ph%2Fentertainment%2Fcelebrities%2F149716-vice-ganda-naiyak-sa-saya-sa-mga-positibong-komento-sa-gandarathebeksplorer%2F

"Yung epekto sa inyo nung series ang pinakamalaking success nitong content na to. More than monetization."

Sa comment section ay bumuhos naman ang magagandang reaksiyon, komento, at mensahe para sa kaniya.