Nagbahagi ng kaniyang Instagram post ang aktres at TV host na si Isabelle Daza na paalala niya para sa sarili, gayundin na rin para sa lahat.

Makikitang tila nasa bakasyon si Isabelle at batay sa lokasyong nakalagay sa IG post ay nasa Amanpulo siya.

Caption niya, "Note to self: Don’t go broke tryin’ to look rich."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napa-react naman dito ang ilang celebrity gaya nina ABS-CBN news anchor Karen Davila, model Georgina Wilson, fashion designer Liz Uy, at iba pa.

Maging ang mga netizen ay nagbigay rin ng reaksiyon tungkol dito.

"Why do you always have the best caption?"

"This is the reason why I follow you on social media. You have the best sense of humor! And so realistic at the same time seems so down to earth. I do not follow a lot of celebrities in the Philippines because of the opposite of what you're saying…"

"Note to self: Don't go broke. Period."

"The caption is winner."

"A big Filipino trait that needs to be broken. Very good advice."

Samantala, sa comment section ng isang ulat ay marami namang nagsabing huwag nang pakialaman pa ang mga tao kung ano ang bet nilang gawin sa buhay.

"Puwede naman kasi na doon sila masaya sa ganung lifestyle eh, hindi naman siguro nila hinihingi opinion ng iba para i-judge yung style ng pamumuhay nila. May kaniya-kaniya tayong laban sa buhay na pinipilit nating labanan ang anumang hamon, yung pagbili ng mamahaling bagay doon sila humuhugot ng lakas para sumaya, about utang it's your fault kung nagpautang ka at di ka binayaran."

"Pag-alaga ng high breed na aso kahit di naman talaga totoong mahilig sa aso magmukha lang mayaman. Haha but syempre wag na lang pakialaman buhay ng ibang tao. Tawanan na lang 'yan."

"Instead, go rich and try to look broke. Para walang uutang."

"There's nothing wrong about acting like a rich, problema mo 'yan kung masaya ka sa buhay na nagmumukhang manang even if you can afford to makeover yourself."

Ikaw, anong palagay mo tungkol sa note to self ni Belle?