Masayang ibinahagi ng social media personality couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario ang pagsorpresa nila sa nanay ni Antonette Gail, kung saan, ipinabatid nila ritong monetized na ang Facebook page nito.

Bukod pa rito, binigyan din nila ng ₱50K si Dolly Gail Del Rosario, na noon ay tutol na tutol sa relasyon ng dalawa, hanggang sa umabot pa sa pagdulog ni Dolly Gail sa "Raffy Tulfo in Action" upang mabawi ang menor de edad na anak mula kay Whamos.

Ina ni Antonette kay Whamos: 'Kailan mo balak iuwi ang anak kong sinilaw mo sa materyal na bagay?'

Ngayon ngang may anak na ang dalawa, unti-unti ay tinanggap na rin ni Dolly Gail ang relasyon ng anak kay Whamos. Kaya naman masasabing okay na sila ngayon.

Maiintindihan naman daw ng dalawa kung bakit nagawa iyon ng ina ni Antonette Gail. Ayon kay Whamos, wala siyang sama ng loob kay Dolly Gail.

"KAHIT MADAMING ANONG PROBLEMA MAGULANG PADIN NATIN SILA #ANTONETTEGAIL," emosyunal na pahayag ni Antonette Gail sa kaniyang Facebook post.

Naging emosyunal naman ang mag-ina dahil sa mga naungkat na nakaraan.